Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (Ingles: Ninoy Aquino International Airport; IATA: MNL, ICAO: RPLL) ang pangunahing paliparan ng Pilipinas na nasa Kalakhang Maynila. Kalimitan pa rin itong tinatawag sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (Paliparang Pandaigdig ng Maynila). Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Pasay, at may pitóng kilometrong layo sa Lungsod ng Maynila. Ang mga kahalintulad nitong mga paliparan ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Lungsod ng Angeles, Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu sa Lungsod ng Lapu-Lapu at ang Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa Lungsod ng Davao. Ang Paliparang Pandaigdig na Ninoy Aquino ay mayroong apat na gusaling terminal na nagsisilbi sa mga sasakyang panghimpapawid. Bilang paliparang pandaigdig, kinokonekta nito ang Pilipinas sa humigit-kumulang 29 na bansa. Ito ay ipinangalan kay Ninoy Aquino na pinatay rito nang siya’y bumababâ ng eroplano gáling sa Estados Unidos noong panahon ng Batas Militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CAPTCHA